
This work has not been peer reviewed by the University of the Philippines Rainbow Research Hub or its project members. The views expressed are solely those of the author(s) and do not necessarily reflect those of the Hub or its project members.
2026 Philippine Queer Studies Conference
POSTER PRESENTATION
Pagsusuri sa queer na protestang sining at kultura ng mga food at peasant advocates
Jeremiah Ciarra D. Flores
Sinusuri ng papel na ito kung paano lumilikha ng sining ang mga queer artist-activist at peasant advocates bilang bahagi ng pakikibaka, pagdiskubre ng sarili, at pakikiisa sa uring anakpawis. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga aktibidad at likhang-sining ng Rural Women Advocates, volunteer arm ng Amihan National Federation of Peasant Women at samahan ng mga artista at propesyunal based sa Metro Manila, at sa panayam sa mga miyembro nitong queer cultural workers na nakikibaka para sa adyenda ng tunay na reporma sa lupa, tinitingnan kung paano nagsasalubong ang queer na identidad, malikhaing praktika, at makauring laban. Nakasalig sa Marxistang peminismo at pananaw ng queer studies mula sa Global South, ipinapakita ng pag-aaral na ito kung paanong nagiging kolektibong kasangkapan ng pag-iral, pagpapalalim ng kamalayan, at paglaban sa heteronormatibo-kapitalistang istruktura ang sining. Sa pagbibigay-diin sa karanasan at gawaing pangkultura ng mga kasapi ng Rural Women Advocates, nag-aambag ito sa diskurso ng queer studies at aktibismong pangkultura sa pamamagitan ng pagbubuo ng interseksyonal na lente sa pagsusuri ng sining at pakikibaka para sa lupa, pagkain, at hustisyang panlipunan.
